Ako ay tubong Meycauayan Bulacan at madalang na ako umuwi simula ng pumanaw si Tatay. Nitong Sabado umuwi ako dahil sabik na ako makita mga kapatid, kamag-anak, lalo na mga pamangkin ko. Syempre di mawawala kuwentuhan at kainan, kahit ano pa ulam. Di nga ako makapag-diet doon kasi pag inaya ako ng "halika, kain ka" o "dito ka na kumain" haay ang sarap. Gusto ko lang ibahagi sa inyo yung mga nakakatuwang kwento nang hapon na iyon kasama ko mga pinsan ko at tiyahin at nasabi ko na gusto ko magpakulay ng buhok at ang wika nya sana sumabay daw ako sa anak nya na nagpagupit ng buhok eh di ko naman alam at wala pa ako ika ng nagpagupit sila. Isa rin pala sa nagpagupit ay pamangkin ko na 7yo, natatawang nagkuwento sa akin ang Nanay nya tungkol sa anak nya na babae, ganito.... Nanay: anak, ano gusto mong gupit sa buhok mo? Anak: Nay, gusto ko "upper cut". Nanay: anong upper cut baka apple cut. :p At eto ang ikalawang kwento.. Nung gabi na ako kinukulay...
time is a commander, do it or regret it, hour choice