Skip to main content

Kulit Bulilit

Ako ay tubong Meycauayan Bulacan at madalang na ako umuwi simula ng pumanaw si Tatay. Nitong Sabado umuwi ako dahil sabik na ako makita mga kapatid, kamag-anak, lalo na mga pamangkin ko. Syempre di mawawala kuwentuhan at kainan, kahit ano pa ulam. Di nga ako makapag-diet doon kasi pag inaya ako ng "halika, kain ka" o "dito ka na kumain" haay ang sarap.

Gusto ko lang ibahagi sa inyo yung mga nakakatuwang kwento nang hapon na iyon kasama ko mga pinsan ko at tiyahin at nasabi ko na gusto ko magpakulay ng buhok at ang wika nya sana sumabay daw ako sa anak nya na nagpagupit ng buhok eh di ko naman alam at wala pa ako ika ng nagpagupit sila. Isa rin pala sa nagpagupit ay pamangkin ko na 7yo, natatawang nagkuwento sa akin ang Nanay nya tungkol sa anak nya na babae, ganito....

Nanay: anak, ano gusto mong gupit sa buhok mo?
Anak: Nay, gusto ko "upper cut".

Nanay: anong upper cut baka apple cut. :p


At eto ang ikalawang kwento..

Nung gabi na ako kinukulayan ng buhok ng pinsan ko, naghihintay ang kapatid ko na lalake sa akin para bantayan ang dalawa nyang anak dahil aalis sya at magpupunta sa kumpare nya. Nang matapos ang pagkukulay umuwi na ako diretso sa bahay at nagtungo na ang kapatid ko doon sa kumpare nya. Lumipas ang dalawang oras at hating gabi na, nakatulog na ako at isip ko kakatok sya pagdating. Eh umabot na madaling araw nagising ako ng bumaba ang kanyang asawa, wala pa ang kapatid ko. Wika ng bilas ko sa itaas na ako matulog at ganon nga ginawa ko. Aba kinabukasan paggising ko, wala pa kapatid ko. Sa may sala magkasama ang mag-ina, bilas ko at anak na babae. Sinasabi ng Nanay sa anak nya na pag dumating daw si "Papa" nya bubugbugin nya ito. Pag sapit ng mga alas-Diyes ng umaga at naglilinis si bilas at naiwan sa baba ang anak ng bigla dumating ang Tatay.

Anak: "Mama! nandito na si Papa! Bugbugin mo na si Papa!"

natawa na lang kami.

Nakakatuwang isipin ang nagagawa ng mga musmos, nawawala ang tensyon sa loob ng bahay.

Kaya pala di nakauwi si kapatid, dahil sa kalasingan doon na nakatulog sa kanyang motorsiklo. Buti na lang nasa loob pa sya ng bakuran ng kanyang kumpare.






Comments

Popular posts from this blog

Flores de Mayo

Araneta Center, on our way home from Ecopark, while walking, we heard Ati-atihan sounds. We followed those sounds and saw bunches of bystanders. "Ahh, may Santacruzan... cool!" So there... Glad we rode Jeep instead of bus; otherwise, we will miss these beauties. In these photos are beauty queens, previous and current title holders of Bb. Pilipinas Universe, Bb. Pilipinas World, and Bb. Pilipinas International. Nina Ricci Alagao Melody Gersbach Anna Theresa Licaros Czarina Catherine Gatbonton Helen Nicolette Henson Carlene Aguilar Gloria Diaz - Miss Universe 1969 Venus Raj - Miss Universe 2010 4th Runner-Up Btw, Flores de Mayo is a Catholic festival (tradition) held in the Philippines in the month of May. It lasts for a month and is held in honor of the Virgin Mary. The Santa Cruzan is a parade held on the last day of Flores de Mayo in honor of Reyna Elena.   credit: Wikipedia

Psalm 91:1-2

Job 11:7,8,9